Posts

Showing posts from November, 2021

Blog # 5: Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

  Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat LILAM, QUEENY C. BSCRIM 2-A GABAY SA PAGSUSURI 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?       Ang akda ay pinamagatang "Ang Pagiging bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" sapagkat ang sentral na paksa ay ang mga bakla sa lipunan kung saan kinikila ng karamihan bilang mga salot sa lipunan. Nais ilahad ng may-akda ang realidad na kinakaharap ng mga bakla sa lipunan kung saan naging tampulan sila ng mga pangungutya, pagtatakwil at panghuhusga sa kahit saang bahagi ng lipunan man sila pumunta. Ang hindi pagtanggap sa kanilang nadiskubring kasarian ay parang isa na ring kalbaryo sapagkat habang sila ay nabubuhay pasan-pasan nila ang bigat ng kalooban at pang-iinsulto ng buong sambayanan. Araw-araw nilang kinakaharap ang kapalit ng kanilang pagpapakatotoo sa lipuna...

Blog # 4: Babae ka Ni Ani Montano

Image
Babae ka Ni Ani Montano Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo) LILAM, QUEENY C. BSCRIM 2-A PAGTATAYA 1. Paano inilarawan ang babae sa awit?         Ang babae ay inilarawan sa awit bilang isang indibidwal na may natatanging kakayahan na naiiba sa kakayahang mayroon ang mga kalalakihan . At kung ang tingin ng mga tao sa kababaehan noon ay isang mahina at ganda lamang ang naiaambag sa lipunan kung kaya't sila'y nararapat sa loob ng tahanan lamang ay nabago na ang kaisipang ito sa kasalukuyan. Ang lipunan ay nagiging bukas na sa mga oportunidad na noon ay mg a kalalakihan lamang ang tumatamasa. Sa paglipas ng panahon ay natutuldukan na ang diskriminasyon sa kasarian at nabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababaihang makibahagi sa lipunan.  2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang  at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.       Lubos kong sinasalungat ang isinaad sa awit na "ang ...

Blog # 3: Sanayan lang ang pagpatay ni: Fr. Albert Alejo, SJ

  SANAYAN LANG ANG PAGPATAY Ni: Fr. Albert Alejo, SJ (Para sa sektor nating pumapatay ng tao) LILAM, QUEENY C. BSCRIM 2-A GABAY SA PAGSUSURI 1.  Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?       Ang personang nagsasalita sa tula ay si Fr. Albert Alejo na siya ring sumulat nito. Sa pamamagitan ng tula ay ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pagsaksi ng pagpatay sa isang butiki. Ipinahihiwatig niyang ang pagpatay sa maliit o malalaking nilalang kahit saang anggulo mo man tingnan ay kasalanan ito sa batas ng Diyos at batas ng tao. Kahit ang pinakamaliliit na nilalang na nagtataglay ng buhay ay may karapatang mabuhay. Ang pagpaslang ay simbolo ng hindi pagrespeto sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos . Ang mga kamay natin ay hindi kailanman karapat-dapat maging mitsa sa katapusan ng buhay ng isang nilalang sapagkat hindi tayo ang nagkaloob sa buhay na meron sila kung gayon wala rin tayong karapatang bawiin ito sa kanila. Ang pagpatay ay simbolo ...

Blog #2: Iskwater ni Luis G. Asuncion

Image
  ISKWATER Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan LILAM, QUEENY C. BSCRIM-2A 1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay? Ang sentral na paksa ng sanaysay ay kahirapan at ang reyalidad sa buhay ng mga mamamayan na nakatira sa iskwater. 2. Mayroon bang paksa na di' tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.   Isang mabigat na suliranin para sa mamamayan ang planong pagdemolis sa kanilang mga tahanan base sa nakasaad sa sanaysay " Ilang beses na rin nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay". Para sa mga taong hikahus sa buhay at halos hindi makabili ng pangangailangan sa aking palagay ay hindi tuwiran ang paulit-ulit na pagbabanta sapagkat naisin man ng mga taong lumisan upang makaiwas na rin sa posibleng gulo laban sa gobyerno ay hindi pa rin nila ito magagawa sapagkat limitado ang kanilang kakayahan. Sana ay kung gaano minamadali ng gobyerno ang kanilang plano ay ganun din sana kabilis ang pagsasakatuparan ng tulong na ipinangako nila sa mg...

Blog # 1: Isang Dipang Langit (Amado V. Hernandez)

"ISANG DIPANG LANGIT"    Amado V. Hernandez Ako’y ipiniit ng linsil na puno hangad palibhasang diwa ko’y piitin, katawang marupok, aniya’y pagsuko, damdami’y supil na’t mithiin ay supil. Ikinulong ako sa kutang malupit: bato, bakal, punlo, balasik ng bantay; lubos na tiwalag sa buong daigdig at inaring kahit buhay man ay patay. Sa munting dungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha, maramot na birang ng pusong may sugat, watawat ng aking pagkapariwara. Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod, sa pintong may susi’t walang makalapit; sigaw ng bilanggo sa katabing moog, anaki’y atungal ng hayop sa yungib. Ang maghapo’y tila isang tanikala na kala-kaladkad ng paang madugo ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo. Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, kawil ng kadena ang kumakalanding; sa maputlang araw saglit ibibilad, sanlibong aninong iniluwa ng dilim. Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang sa hudyat – may tak...