Blog #2: Iskwater ni Luis G. Asuncion
ISKWATER
Ni Luis G. Asuncion
Ni Luis G. Asuncion
Mula sa Ani: Panitikan ng Kahirapan
LILAM, QUEENY C.
BSCRIM-2A
BSCRIM-2A
1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?
Ang sentral na paksa ng sanaysay ay kahirapan at ang reyalidad sa buhay ng mga mamamayan na nakatira sa iskwater.
2. Mayroon bang paksa na di' tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
Isang mabigat na suliranin para sa mamamayan ang planong pagdemolis sa kanilang mga tahanan base sa nakasaad sa sanaysay " Ilang beses na rin nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay". Para sa mga taong hikahus sa buhay at halos hindi makabili ng pangangailangan sa aking palagay ay hindi tuwiran ang paulit-ulit na pagbabanta sapagkat naisin man ng mga taong lumisan upang makaiwas na rin sa posibleng gulo laban sa gobyerno ay hindi pa rin nila ito magagawa sapagkat limitado ang kanilang kakayahan. Sana ay kung gaano minamadali ng gobyerno ang kanilang plano ay ganun din sana kabilis ang pagsasakatuparan ng tulong na ipinangako nila sa mga mamamayan sapagkat hindi magmamatigas ang taong lumisan kung alam ng mga itong matapos ang pagpayag sa anumang demolisyon ay may panibagong tirahan pa rin silang mauuwian.
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.
Ang layunin ng may-akda ay upang lubos na palawakin ang ating pag-unawa sa iskwater. Base nga sa sanaysay na aking binasa na hindi lahat ng nakatira sa iskwater ay mahihirap lamang mayroon din palang mga mayayaman. Sa pamamagitan ng sanaysay ay naipamulat nito ang realidad ng buhay sa ating lipunan at mas napapalawak ang kamalayan ng mas maraming taong makakabasa ng sanaysay.
4. Ano-anong mga ideya ang sinang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit?
Ang ideyang aking sinang-ayunan sa sanaysay ay "Ang mahihirap ay 'di kailanman makakatira sa lugar ng mga mayayaman. Pero ang mga mayayaman ay maaaring manirahan sa lugar ng mga mahihirap ano mang oras nilang gustuhin". Napakatugma ito na realidad pagdating sa estado ng buhay ng mga tao sa lipunan. Noon pa man ay magkasalungat na ang saling mahirap at mayaman hindi lamang sa salita kundi sa halos lahat ng bagay lalong-lalo na sa pagkakaroon ng oportunidad sa lipunan. Higit na pinapaboran ng lipunan ang mga mayayaman sa kahit na anung gusto ng mga ito sapagkat may sapat at malawak silang kakayahan para gawin ang nais nila kahit pa man ang mga ito ay nakakaapak na sa pagkatao ng mga mabababang mamamayan. Nalalagay lagi ang mga mahihirap sa dehado sapagkat limitado ang kanilang kakayahan at walang ibang kayang gawin kundi ang mas magtiis sa mga bagay na matagal nang pinagtitiisan. Patunay lamang na hindi kailanman magiging pantay ang mga tao pagdating sa estado ng buhay.
Ano-anong ideya naman ang mga hindi mo sinang-ayunan? Bakit?
Ang ideyang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang mga katagang " Ipinanganak akong mahirap, at mamamatay din yata akong mahirap". Ang taong may ganitong pag-iisip para sa akin ay patapon ang buhay. Ikaw mismo ang humuhubog sa sarili mong kapalaran may kakayahan ka para gumawa ng pagbabago sa pamamagitan ng pagpupursigi sa buhay at pananalig sa Diyos na ikaw ay patnubayan sa pag-abot ng iyong mga mithiin sa kabila ng kahirapan na kasalukuyan mong dinaranas. Tunay na hindi mo kasalanan ang ipinanganak kang mahirap ngunit isa namang katangahan kung ikaw ay mamamatay pa rin na mahirap kahit may pagkakataon ka namang gumawa ng paraan para ito ay mawakasan. Walang taong dumaan sa kahirapan ang hindi naghangad na makaahon rito kung kaya't hanggat may pagkakataon ay kumilos tayo at magpursigi sa ating mga pinapangarap. Mahirap man ang ating mga pinagdadaanan mas masarap pa rin lasapin ang tagumpay na lubos nating pinaghirapan.
5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
Ang mga kaisipang nailahad sa teksto ay nakatuon sa kahirapan. Hindi ko maitatangging napukaw nito ang aking karanasan sa hirap ng buhay. Katulad ng mga mamamayan sa iskwater ako ay ipinanganak ring mahirap at lumaking damang-dama ang realidad ng kahirapan. Isa sa mga inilahad ng may-akda sa aking binasang sanaysay ay ang kagustuhang umalis sa lugar ng iskwater. Kung ito'y aking iuugnay sa aking sariling karanasan bilang isang taong nais tuldukan ang nadaramang kahirapan ninanais ko ring makaalis sa hirap ng buhay na aking kinamulatan. Kung kaya't aking pinagbubutihan ang pag-abot sa aking mga pangarap sapagkat ang aking tagumpay sa hinaharap ay ang papawi sa lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ng aking mga magulang.
6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
Ang pagtalakay sa sanaysay tungkol sa iskwater ay napakahalaga hindi lamang sa akin kundi pati na rin sa kapwa ko kabataan. Iminulat ng sanaysay ang aking kaisipan at pag-unawa tungkol sa salitang iskwater. Noon pa man ay nakatatak sa aking isipan na ang iskwater ay lugar para sa mahihirap lamang at hindi kailanman nanaisin ng mga mayayamang tao ang mapadpad at manirahan pa rito ngunit nabigyan ng pagkakataong maitama ang aking pag-unawa sa pamamagitan ng sanaysay na ito. Masasabi kong hindi lamang nabago kundi napalawak nito ang pananaw ko sa kahulugan ng iskwater.
7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
Ang kahirapan ang isa sa pangmalawakang suliranin ng ating lipunan sa kasalukuyan. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nadarama ng mga mamamayan. Katulad ng mga nakalahad sa teksto sa likod ng mga karangyaaan na taglay ng iilan sa ating lipunan ay ang kapuspalad na hirap maibigay ang maayos na tirahan para sa pamilya, maayos na kasuotan, Edukasyon para sa mga kabataan at ang pagkain sa pang-araw-araw. Naisaad ng may-akda sa sanaysay na mas dumami ang mga nanirahan sa iskwater makalipas lamang ang ilang dekada at hindi lamang mahihirap kundi may mga mayayaman na rin na napadpad dahilan upang sila ay magsiksikan at naisin man nila na umalis ay hindi rin nila magagawa dahil wala silang kakayahan magtayo ng panibagong bahay. Patuloy na naiipit sila sa mga pagbabago sa lipunan. Ang ganitong sitwasyon ay mas napukaw naman sa pagharap natin sa lumaganap na pandemya sa kasalukuyan. Higit ninuman apektado ang mga mahihirap sapagkat ang pandemya ay nagdulot ng pagkawala ng trabaho ng mas maraming mamamayan na naging sanhi pa ng mas matinding kahirapan. Nasaksihan natin ang nagtatangis na mga mamamayan sa paghingi ng tulong sa gobyerno ngunit ang naipaabot na tulong ay upang maibsan lamang ang kahirapan sa maiksing panahon bukod doon ay hirap na rin ang pamahalaan na wakasan ang ganitong suliranin. Saang lipunan ka man makakarating ay madarama at madarama mo pa rin ang impit na sigaw ng kahirapan.
MUNGKAHING GAWAIN
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater .
Comments
Post a Comment