Blog # 5: Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales
Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales Mula sa antolohiyang Taguan: Dalawang Dekada ng Pagsusulat at Pagkamulat LILAM, QUEENY C. BSCRIM 2-A GABAY SA PAGSUSURI 1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat? Ang akda ay pinamagatang "Ang Pagiging bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo" sapagkat ang sentral na paksa ay ang mga bakla sa lipunan kung saan kinikila ng karamihan bilang mga salot sa lipunan. Nais ilahad ng may-akda ang realidad na kinakaharap ng mga bakla sa lipunan kung saan naging tampulan sila ng mga pangungutya, pagtatakwil at panghuhusga sa kahit saang bahagi ng lipunan man sila pumunta. Ang hindi pagtanggap sa kanilang nadiskubring kasarian ay parang isa na ring kalbaryo sapagkat habang sila ay nabubuhay pasan-pasan nila ang bigat ng kalooban at pang-iinsulto ng buong sambayanan. Araw-araw nilang kinakaharap ang kapalit ng kanilang pagpapakatotoo sa lipuna...