Blog # 4: Babae ka Ni Ani Montano

Babae ka
Ni Ani Montano
Inawit ng Inang Laya (Karina C. David at Rebecca A. Demetillo)


LILAM, QUEENY C.
BSCRIM 2-A

PAGTATAYA

1. Paano inilarawan ang babae sa awit? 

       Ang babae ay inilarawan sa awit bilang isang indibidwal na may natatanging kakayahan na naiiba sa kakayahang mayroon ang mga kalalakihan . At kung ang tingin ng mga tao sa kababaehan noon ay isang mahina at ganda lamang ang naiaambag sa lipunan kung kaya't sila'y nararapat sa loob ng tahanan lamang ay nabago na ang kaisipang ito sa kasalukuyan. Ang lipunan ay nagiging bukas na sa mga oportunidad na noon ay mg a kalalakihan lamang ang tumatamasa. Sa paglipas ng panahon ay natutuldukan na ang diskriminasyon sa kasarian at nabibigyan na ng pagkakataon ang mga kababaihang makibahagi sa lipunan. 

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang 
at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

      Lubos kong sinasalungat ang isinaad sa awit na "ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam". Ang bawat isa sa atin ay may mga katangiang tinataglay na magkakaiba. Marahil ang iyong kahinaan ay kalakasan para sa iba at ang iyong kalakasan ay kahinaan naman para sa iba. Hindi kailanman dapat nasusukat ang pakinabang ng isang tao base lamang sa kanyang kasarian. Ang anumang diskriminasyon na nangyayari sa lipunan ay bunga lamang ng kakitidan ng pag-iisip at ang hindi pagtanggap sa katotohanang ang inaakala nating mahihina ay may katalinuhang taglay na siyang bumabalansi sa ating lipunan.  Sa kasalukuyang panahon nasaksihan natin kung ano ang kapakinabangang naidudulot ng mga kababaehan sa lipunan wala man silang pisikal na lakas na katulad ng mga kalalakihan mayroon naman silang  makapangyarihang pag-iisip na nakapagbabahagi ng maiingat na desisyon para sa ikakabuti ng lipunan.  Walang taong ipinanganak na perpekto lahat tayo ay may kalakasan at kahinaan, may kakulangan at kapintasan  kaya nararapat na matutunan nating tanggapin ang mga kahinaan, kakulangan at kapintasang ito at hindi kailanman hayaang malason ang ating isipan sa mga katagang wala tayong pakinabang. Laging isaisip na may pakinabang tayo sa magkaibang paraan at sitwasyon sa kahit saang anggulo mo man ito tingnan sa lipunan.

3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

     Ang presensya ng mga kababaehan sa politika ay isa na sa mabisang halimbawa ng  pagpapakita ng tinataglay nitong kakayahan. Noon ang pagiging isang pinuno ng bansa ay isang posisyon na hindi kailanman pinahihintulutan ang mga kababaehan ngunit ang makita ang mga mukha ng mga kababaehang naging pangulo ng bansa sa mga nagdaang administrasyon sa kasalukuyan ay isa nang patunay na napagtagumpayan ng mga ito ang pagpapakababang natamo sa mahabang panahon. Bago marating ang posisyon na pagkapangulo ay buong tapang at lakas na inihayag ng mga ito ang kanilang ipinaglalaban at ng sandaling maluklok sila sa puwesto ay simbolismo na ito ng kalayaan mula sa matagal nang pamamaliit ng lipunan. Ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga kababaehan sa edukasyon, kalusugan at trabaho ay ilan lang din sa mga halimbawang nagpapakita ng paglawak ng kakayahan ng mga kababaehan pagdating sa pakikipaglaban sa nararapat nilang matamo na karapatan at kalayaan. Sa kasalukuyan ay may mga batas na ring pumuprotekta sa kanila kung kaya't malaya silang gawin ang mga bagay na kanilang gusto nang hindi napupuno ng takot na baka ang kanilang kahinaan ay samantalahin at ang kanilang kakayahan ay abusuhin. Ang kalagayan ng mga kababaehan sa kasalukuyang panahon ay higit nang mas makapanyarihan kaysa noon sapagkat sa ngayon ay mas pinapakinggan na ang kanilang mga mungkahi at hinaing. 

4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

"Ang pinto ng pag-unlad sa ‘yo’y laging nakasara,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao". 

     Ang payong ito ng may-akda sa awit ay nagpapahiwatig na bilang isang babaeng pinagkaitan man ng mga oportunidad sa lipunan ay nararapat na matuto tayong lumaban. Labanan natin ang mga pamamaliit   dahil nakasara man ang pinto ng oportunidad sa lipunan nasa kamay pa rin natin ang susi upang ito'y mabuksan. Huwag nating hayaang mabuhay tayo sa pamamaliit ng ibang tao nararapat na taglayin natin ang tapang at lakas na siyang magpapatunay na mali ang kanilang pinaniniwalaan.

"Ang pinto ng pag-unlad sa’yo ngayo’y nakabungad,
Harapin mo, buksan mo, ibangon ang iyong pagkatao".

     Ang payong ito naman ay nagpapahiwatig na huwag nating sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa atin ng lipunan upang patunayan ang ating sarili. Kung nagawa nating patunayan ang ating sarili sa lipunang noon ay nakasara ang pintuan ng oportunidad ngayon ay sikapin nating mas ipakita sa kanila ang natatanging kakayahan at katangian natin bilang isang babae at patunayang ang kababaehan ay malakas, may pakinabang at napakahalaga sa pagbalansi ng lipunan.

"Lumaban ka. Babae, may tungkulin ka
Sa pagpapalaya ng bayan na siya nating simulain". 

       Ang bahagi ng awit na ito ay malinaw na nagpapabatid na may malaking tungkulin na dapat gampanan ang kababaehan sa lipunan kung kaya't ang paglaban ay kailangang patatagin at pagtibayin . Ang kalayaang matatamo nating mga kababaihan ay kalayaang matatamo rin ng ating bayan. Hindi matatawag na buo ang isang lipunan kung wala ang kababaehan. 

5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

    Ang kaisipang ang mga lalaki ay malalakas at ang mga babae ay likas na mahihina ang naging lason sa lipunan sa matagal na panahon. Sa paniniwalang mahina lamang ang kababaehan at walang silbi ay binalewala na rin ang kakayahan at katangiang tinataglay ng mga ito. Namulat ang tao sa lipunan dati na may diskriminasyon sa kasarian kung kaya't naging mahirap ang pagtanggap sa tunay na kakayahan ng mga babae. Nakabase ang pagpapahalaga ng mga tao dati sa lakas. Pisikal na lakas na likas na taglay lamang ng mga kalalakihan dahilan kung bakit pinapaburan sila sa lipunan habang ang mga babae naman ay likas na mahina sa pisikal ngunit katalinuhan ang kanilang lakas kung saan hindi ito direktang naipapakita at mapapansin lamang kung ang kanilang boses ay pakikinggan. Hindi natin maitatanggi na umiiral pa rin ang ganitong akala sa mga iilan sa lipunan ngunit higit na ngang nangingibabaw ang pagpapahalaga sa mga kababaehan sa kasalukuyan marahil marami na rin ang mga itong napatunayan pagdating sa larangan ng politika, edukasyon at trabaho. Masasabi kong nabawasan ngunit hindi pa rin tuluyang nawakasan ang ganitong sitwasyon gayunpaman mas naging panatag na ako sa kalagayan ng kababaehan sa ngayon kung ikukompara noon.

MUNGKAHING GAWAIN

1. Gawan ng concept map ang salitang babae.




Comments

Popular posts from this blog

Blog # 3: Sanayan lang ang pagpatay ni: Fr. Albert Alejo, SJ

Blog #2: Iskwater ni Luis G. Asuncion